Ang Wakas (Revisualized) Song Lyrics - Arthur Miguel

 Ang Wakas (Revisualized) Song Lyrics - Arthur Miguel


- Ang Wakas (Revisualized) Song Lyrics -

Mahirap bang ipilit ang lumaban 'pag hindi na kaya?
Saan na kukuha ng lakas?
Ibuhos man lahat-lahat, wala pa rin itong pag-asa
Kung mag-isa kang lalaban

Sa pagtakbo ng oras, unti-unting kumupas
Ang dating wagas ay magwawakas

Masisisi mo ba kung ayaw na talaga?
Kung ang pag-ibig mo, tuluyang maglaho
Oh, ba't nagbago bigla? Mga titig ay nag-iba
Ika'y lumalayo, tadhana ba ito?

Kapag damdamin na'ng nagsalita
Wala ka nang magagawa kundi sundin ito kahit ayaw
Wala na ngang natitira, lahat-lahat, naglaho na
Konting pilit pa'y masusugatan, bumitaw ka na

Sa pagtakbo ng ang oras, unti-unting kumupas
Ang dating wagas ay magwawakas
Masisisi mo ba kung ayaw na talaga?
Kung ang pag-ibig mo, tuluyang maglaho

Oh, ba't nagbago bigla? Mga titig ay nag-iba
Ika'y lumalayo, tadhana ba ito?
Tayo'y nagkamali, tayo ay nasugatan
Maling galaw, lahat ay sasabit
Ito na ba'ng huli, tayo'y magpapaalam na

Sa ating nakaraan at bibitawan?
Masisisi mo ba kung ayaw na talaga?
Kung ang pag-ibig mo, tuluyang maglaho
Masisisi mo ba kung ayaw na talaga?

Kung ang pag-ibig mo (pag-ibig mo), tuluyang maglaho
Oh, ba't nagbago bigla? Mga titig ay nag-iba
Ika'y papalayo, tadhana ba ito?

----------------------------------------------------------------------

Watch on YouTube



Previous Post Next Post